Sinisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang halos ₱1.9 bilyong halaga ng flood control projects sa Davao City matapos mapansing iisang contractor lamang ang nakakuha ng mga proyekto.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kailangang siyasatin ang mga proyekto na pawang na-award sa Genesis88 Construction Inc. upang matukoy kung may naganap na iregularidad o korapsyon.
Sinabi rin ni Matibag na matagal nang kaibigan umano ng pamilya Duterte ang naturang contractor.
Samantala, kinuwestiyon ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang imbestigasyon. Bilang tugon, iginiit ni Matibag na nakabatay sa ebidensya ang pagsisiyasat ng NBI at hindi sa mga usap-usapan lamang.
Patuloy na tinitingnan ng ahensya ang mga dokumento at detalye ng mga proyekto upang matukoy kung may paglabag sa proseso o iba pang anomalya.













