Posibleng magkaroon ng desisyon ang Sandiganbayan sa mga kasong may kaugnayan sa flood control projects sa loob ng isang taon, depende sa pagsunod sa itinakdang proseso ng paglilitis.
Ito ang sinabi ni Sandiganbayan Presiding Justice Atty. Geraldine Faith Econg sa pagdinig ng Senado sa proposed budget ng Judiciary.
Ayon kay Econg, nasa 26 na ang mga kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa ilang senador at kongresista kaugnay ng mga flood control project.
Unang isinampa ng Ombudsman ang naturang kaso noong Nobyembre 18, 2025.
Sinabi rin ni Econg na ilan sa mga kaso ay umabot na sa defense stage, habang mayroon namang isang kaso na na-archive matapos hindi matunton ang akusado.
Kung masusunod ang mga itinakdang proseso sa ilalim ng Speedy Trial Act, maaari umanong umabot sa conviction o acquittal ang mga kaso sa loob ng isang taon.













