-- ADVERTISEMENT --

Isang kahanga-hangang comeback ang ipinakita ni Kimi Antonelli matapos niyang makuha ang panalo sa Italian Grand Prix sa Monza kahit nagsimula sa ika-19 na puwesto.

Sa kabila ng mababang starting position, unti-unting umakyat si Antonelli sa standings hanggang tuluyang maungusan ang mga nangungunang driver at masungkit ang kanyang ikapitong panalo ngayong season.

Nagtapos sa ikalawang puwesto ang kanyang Mercedes teammate na si George Russell, habang kinumpleto ni Max Verstappen ng Red Bull ang podium sa ikatlong puwesto.

Mas naging makasaysayan ang tagumpay dahil ito ang unang panalo ng isang Italian driver sa Monza mula noong 1966.

Malaking tulong din ang resulta sa kampanya ni Antonelli para sa world championship. Matapos ang 13 karera, lumaki sa 66 puntos ang kanyang kalamangan kay Russell sa championship standings.

Sa panalong ito, hindi lamang niya pinatunayan ang kanyang bilis sa home race kundi lalo rin niyang pinatatag ang kanyang posisyon bilang lider ng Formula One championship.