-- ADVERTISEMENT --

Maaaring magkaroon na ng desisyon ang Sandiganbayan sa unang kasong may kaugnayan sa flood control scandal bago matapos ang taon, matapos umusad na sa defense stage ang naturang kaso.

Ito ang inihayag ni Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg sa deliberasyon ng Senate Finance Committee para sa panukalang budget ng Judiciary para sa 2027.

Ayon kay Econg, ang unang kasong isinampa ng Office of the Ombudsman noong Nobyembre 18, 2025 ay mabilis na umusad at nasa defense stage na bago pa man sumapit ang isang taon mula nang maisampa.

Sinabi ng opisyal na kung masusunod ang mga probisyon ng Speedy Trial Act at mga itinakdang proseso ng Korte Suprema, may posibilidad na matapos ang paglilitis at mapagpasyahan kung makukumbik o mapapawalang-sala ang mga akusado bago matapos ang taon.

Samantala, kabilang sa mga high-profile na personalidad na iniuugnay sa imbestigasyon sa flood control scandal sina dating House Speaker Martin Romualdez at Senator Jinggoy Estrada.