-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) na ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan sila laban sa impluwensya ng mga sindikato. Kasabay nito, tiniyak ng PNP na magkakaroon ng maayos na koordinasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maiwasan ang pagsisiksikan sa mga youth shelters.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng kanilang kampanya sa ilalim ng Safer Cities Initiative na pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan.

Ipinaliwanag din ng opisyal na madalas targetin ng mga kriminal at sindikato ang mga menor de edad na naglalagi sa lansangan, at ginagamit ang mga ito sa iba’t ibang ilegal na gawain.

Upang matugunan ang mga alalahanin ng publiko at iba’t ibang sektor, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa DSWD bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga batang maaabot sa kanilang mga operasyon sa gabi.