-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Parang Municipal Police Station kaugnay sa pamamaril na ikinasawi ng isang kolektor ng “5-6” nitong umaga ng Huwebes, Mayo 14, 2026, sa bahagi ng Barangay Sarmiento sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Lagorra, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.

Batay sa paunang ulat, agad na isinugod sa pagamutan ang biktima matapos ang insidente ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril upang mabilis na maresolba ang kaso.