-- ADVERTISEMENT --

Nagtapos ang sesyon ng Senate of the Philippines nitong Lunes nang walang naging pagbabago sa liderato, sa kabila ng umiikot na espekulasyon hinggil sa posibleng reorganization sa Mataas na Kapulungan.

Nag-adjourn ang Senado bandang alas-4:40 ng hapon matapos mag-convene bilang impeachment court para sa paglilitis kay Sara Duterte at aprubahan ang ilang pagbabago sa committee chairmanships.

Nanatiling buo ang 13-miyembrong majority bloc, taliwas sa mga usap-usapan ng umano’y leadership shake-up.

Kabilang sa mga bagong itinalagang committee chairpersons sina:

  • Loren Legarda — Culture and the Arts; Basic Education
  • Pia Cayetano — Ways and Means; Energy at Sustainable Development Goals
  • Bong Go — Health at Sports
  • Joel Villanueva — Higher, Technical and Vocational Education
  • Jinggoy Estrada — National Defense and Security; Games and Amusements
  • Robinhood Padilla — Public Information and Mass Media; Cultural Communities and Muslim Affairs
  • Rodante Marcoleta — Public Services

Nauna nang pinabulaanan ni Alan Peter Cayetano ang mga ulat ng umano’y pagbabago sa liderato at iginiit na nananatiling solid ang majority bloc.

Sa parehong araw, tinanggihan naman ni JV Ejercito ang alok na maging Senate Majority Leader, at sinabing mas nais niyang manatiling independent.

Samantala, sinabi rin ni Juan Miguel Zubiri na sasama siya sa minority bloc na pinamumunuan ni dating Senate President Vicente Sotto III.