-- ADVERTISEMENT --

Dadaan muna sa masusing pagsusuri ng pamahalaan ang alok na $1.75 bilyong financing assistance mula sa Asian Development Bank para sa Pilipinas.

Ayon kay Claire Castro, ang Department of Finance ang magsasagawa ng pagrepaso sa mga kondisyon at kasunduan ng naturang financing offer upang matiyak na naaayon ito sa fiscal at debt management goals ng gobyerno.

Sinabi rin ni Castro na malaking tulong ang iniaalok na pondo upang mabawasan ang posibleng epekto sa ekonomiya ng umiiral na tensyon sa Middle East. Dagdag pa niya, ipinapakita rin nito ang tiwala ng mga development partners sa kakayahan ng pamahalaan na harapin ang mga pandaigdigang hamon.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na kailangan pa ring sumailalim ang alok sa tamang proseso ng pagsusuri at pag-apruba bago ito tuluyang tanggapin ng pamahalaan.