-- ADVERTISEMENT --

Nagbalik na sa bansa si Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang dalawang araw na working visit sa Russia, kung saan nakipagpulong siya sa mga opisyal ng gobyerno upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Dumating ang delegasyon ng Pangulo sa Villamor Air Base dakong alas-4:02 ng hapon. Sa kanyang arrival statement, inilarawan ni Marcos bilang matagumpay ang biyahe at binigyang-diin ang mga usaping natalakay sa pakikipagpulong niya kay Vladimir Putin.

Ayon sa Pangulo, isa sa mga pangunahing paksa ng kanilang pag-uusap ang pagpapalalim ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan, kabilang ang seguridad at pagtugon sa mga pandaigdigang hamon.

Kabilang sa mga tinalakay ng dalawang lider ang paglaban sa terorismo, transnational crime, cybercrime, at iba pang tinatawag na non-traditional security threats na patuloy na kinakaharap ng maraming bansa.

Ipinunto rin ni Marcos na mahalaga ang patuloy na dayalogo at pakikipagtulungan sa mga international partner upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at katatagan sa rehiyon. Ang pagbisita sa Russia ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng administrasyon na palawakin ang ugnayang diplomatiko at ekonomiko ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng mundo.