-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ni US President Donald Trump ang panukalang pitong araw na ceasefire ng Iran, habang patuloy na pinag-uusapan ng magkabilang panig ang posibleng pagtatapos ng kanilang anim na buwang labanan.

Ayon sa mga opisyal ng US, nananatiling may pagdududa si Trump kung tutuparin ng Tehran ang mga hinihingi ng Washington. Gayunman, nagpapatuloy ang negosasyon sa tulong ng mga regional mediator.

Sa panukala ng Iran, nais nitong alisin ng US ang naval blockade, paluwagin ang oil sanctions at i-unfreeze ang ilan sa mga asset nito kapalit ng muling pagbubukas ng Strait of Hormuz at pagpapatuloy ng nuclear negotiations.

Gayunman, ipinaabot na umano ng Washington sa Tehran at mga tagapamagitan na wala itong planong alisin ang kasalukuyang maritime blockade sa mga daungan ng Iran.

Hindi pa malinaw ang magiging lawak ng posibleng mga susunod na operasyon militar ng US. Ayon sa mga opisyal, maaari pang magbago ang posisyon ni Trump habang nagpapatuloy ang negosasyon.