-- ADVERTISEMENT --
Isang hakbang na lamang at magiging ganap nang batas ang panukalang magpapahintulot sa pamahalaan na pansamantalang bawasan o suspindihin ang excise tax sa langis, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, House Majority Leader, naaprubahan na ng Kamara ang bersyon ng Senado ng panukala. Sa oras na maisabatas ito, magkakaroon si Ferdinand Marcos Jr. ng kapangyarihang agad magpatupad ng hakbang kapag may matinding pagtaas sa presyo ng langis.
Binigyang-diin din ni Marcos na pinabilis ng Kamara ang pagpasa ng panukala upang makatulong sa pagpapagaan ng pasanin ng mga pamilya at mga negosyo na apektado ng patuloy na pagtaas ng gastos sa krudo.













