Ibinasura ng Supreme Court en banc ang petition for certiorari nina Atty. Valeriano Loon at Atty. Zigfred Diaz na kumukuwestiyon sa naging sesyon ng Senado noong Hunyo 3.
Sa naturang sesyon, bumuo ng quorum ang 12 senador at inihalal si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President pro tempore. Idineklara ring bakante ang iba pang posisyon sa pamunuan ng Senado, habang nagsilbi si Gatchalian bilang acting Senate president.
Tinutulan naman ni Senate President Alan Peter Cayetano ang naturang pagbabago at iginiit na hindi ito naaayon sa Senate rules.
Sa en banc notice na may petsang Agosto 26, sinabi ng Korte Suprema na hindi sapat ang mga ipinakitang batayan upang mapatunayan ang grave abuse of discretion kaugnay ng Senate session.
Dahil dito, nananatili ang ruling na walang sapat na legal na batayan upang kuwestiyunin ang naging aksyon ng Senado noong Hunyo 3.













