-- ADVERTISEMENT --
Muling niyanig ng lindol ang South Cotabato ngayong gabi ng Biyernes, Oktubre 10, 2025.
Ayon sa PDRRMO South Cotabato, Intensity 3 ang naitala sa Koronadal City, habang Intensity 4 naman sa bayan ng Tupi, Intensity 3 sa Polomolok, at Intensity 2 sa Tantangan.
Ang pagyanig ay dulot pa rin ng magnitude 7.6 na lindol na may epicenter sa Manay, Davao Oriental.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling kalma, maging alerto sa mga aftershocks, at patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na abiso ng mga otoridad.
Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa PDRRMO South Cotabato Hotline sa 0927-542-6430 (Globe) at 0969-191-5810 (Smart).