Dumating na sa Japan si Pinay tennis star Alex Eala para simulan ang kanyang kampanya sa 20th Asian Games.
Sinalubong si Eala ng Philippine delegation na pinangunahan ni Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino. Ayon sa 21-anyos na tennis star, malaking karangalan para sa kanya ang katawanin ang Pilipinas sa torneo.
Ranked No. 18 sa mundo, nakakuha si Eala ng first-round bye bilang top seed sa women’s singles event. Sa susunod na round, makakaharap niya ang mananalo sa pagitan nina Patcharin Cheapchandej ng Thailand at Qureshi Mahin Aftab ng Pakistan.
Lalahok din si Eala sa women’s doubles kasama si Shaira Rivera ng University of Alabama, kung saan makakaharap nila ang pares mula Hong Kong na sina Kallista Liu at Ching Laam La.
Dalawang event ang pagsasabakan ni Eala habang kinakatawan ang Pilipinas sa Asian Games.












