Sinuspinde ng Indonesia ang limang prison officials, kabilang ang warden ng Cibinong Prison sa Bogor, matapos madiskubre ang mahigit 10 luxury apartment-style quarters na umano’y ginagamit ng ilang inmates.
Nakita ang mga pasilidad sa surprise inspection ng Ombudsman noong Setyembre 23.
Kumpleto ang mga ito sa air-conditioning, malalaking telebisyon, refrigerator, sofa at dining areas.
Mayroon ding gym, golf simulator na ginagawa pa at mga mamahaling sasakyan sa loob ng compound.
Ayon kay Rudi Setiawan, inspector general ng Ministry of Immigration and Corrections, posibleng managot ang limang opisyal na sinuspinde dahil sa insidente.
Sinabi ng Ombudsman na may matibay na indikasyon na ilang bilanggo ang nabigyan ng access sa mga espesyal na pasilidad na hindi para sa ordinaryong inmates.
Iniimbestigahan ngayon kung ginawang ilegal na accommodation para sa mga bilanggo ang dating opisyal na housing ng prison personnel at kung may mga opisyal na tumanggap ng bayad kapalit ng naturang espesyal na pribilehiyo.












