Binawian ng buhay ang isang misis matapos na pugutan ng ulo ng kanyang sariling mister sa Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Alyas Princess habang ang suspek ay si Julie Cuyan, nasa legal na edad at kapwa residente ng Sirio Lebu, Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Danny Paul Sulan, SK chairman ng Barangay Klubi, ipinaalam sa kanila ang pangyayari habang nagsasagawa ng session ang Barangay Council.
Agad naman umano silang rumesponde at naabutan ang biktima na nakahiwalay na ang ulo sa katawan nito at wala nang buhay.
Hinanap din ng mga ito ang suspek na may dalang itak hanggang sa natunton at hinikayat na sumuko.
Ayon pa kay Sugan, lalaban pa sana ang suspek ngunit binunutan ito mg baril ng barangay chairman kaya’t sumuko.
Sobrang selos naman ang nakikitang dahilan kung bakit nangyari ang krimen.
Napag-alaman may dinaramdam nang mental illness ang suspek. nagpakamatay. Sa ngayon dinala na sa morgue bangkay ng biktima habang nakakulong na sa Lake Sebu Police Station ang suspek.