-- ADVERTISEMENT --

Tinamaan ng Russian drone ang isang paaralan sa Kyiv, Ukraine habang ginagamit na silungan ng mga estudyante at guro ang gusali mula sa aerial attacks.

Nagdulot ang pagsabog ng malaking butas sa bahagi ng gusali at pinsala sa ikatlong palapag, na sinundan ng sunog.

Ayon sa mga opisyal, walang naiulat na nasaktan sa mga estudyante at guro na nasa loob nang mangyari ang insidente.

Naganap ang pag-atake habang nakararanas ang Kyiv ng mas pinaigting na aerial attacks mula sa Russia.

Samantala, nagbabala ang Ukraine sa paggamit ng mas mabilis na jet-powered drones, na ayon sa mga awtoridad ay maaaring magdagdag sa hamon sa kanilang air defense systems.

Patuloy namang pinapalakas ng Ukraine ang kanilang air defense capabilities upang maprotektahan ang mga sibilyan at mahahalagang imprastraktura laban sa mga aerial attack.