-- ADVERTISEMENT --
Nakuha ni Alexandria Enriquez ang silver medal para sa Pilipinas sa women’s 63kg jiu-jitsu event ng 2026 Asian Games sa Japan nitong Sabado.
Nabigo si Enriquez sa finals kontra kay Orapa Senatham ng Thailand matapos magtapos ang laban sa tabla at magwagi ang Thai athlete sa pamamagitan ng advantages.
Bago ang finals, dinaig ni Enriquez sina Dania Obaid ng Palestine, Marian Zhuravleva ng Kazakhstan, at Narankhishig Baasanjargal ng Mongolia—lahat sa pamamagitan ng submission.
Samantala, hindi naman nakakuha ng bronze medal si Andrea Lao matapos siyang talunin ni Baasanjargal sa bronze medal match.
Sa kasalukuyan, mayroon nang apat na gold, siyam na silver, at 16 na bronze medals ang Pilipinas sa Asian Games.













