-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Naaresto ng mga otoridad ang isang lalaki na itinuturing na Street Level Individual matapos makumpiskahan ng mga pakete ng pinaghihinalaang shabu sa Purok Mabuhay, Brgy. Ambalgan, Sto. Niño, South Cotabato kanina lamang umaga, Setyembre 13, 2024.

Kinilala ni Police Major Raymond L Faba, hepe ng Sto. Niño Municipal Police Station ang nahuling indibidwal na si alyas “Jeno”, 42-anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.

Ayon kay PMaj. Faba, bandang 4:37 ng umaga ng sinalakay ng mga awtoridad ang pamamahay ng suspek at dito nakumpiska ang walong pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 2 gramo at nagkakahalaga ng Php10,000.00 kasama ang 97 pakete pa nito at iba pang non-drug items.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa sekyon 11 at 12 ng Art.II R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002″.