Inagaw ni Elena Rybakina ng Kazakhstan ang kanyang unang US Open women’s singles title matapos talunin si Aryna Sabalenka, 6-4, 5-7, 6-2, sa final sa Arthur Ashe Stadium.
Bukod sa titulo, umakyat din si Rybakina sa No. 1 spot ng WTA rankings, na nagtapos sa 99-week reign ni Sabalenka.
Matapos hatiin ang unang dalawang set, naging dominante si Rybakina sa deciding set at tuluyang isinara ang laban sa 6-2. Tinapos niya ang championship point sa pamamagitan ng service ace matapos ang double fault ni Sabalenka.
Ito na ang ikatlong Grand Slam title ni Rybakina at ikalawa niya ngayong 2026. Nauna rin niyang tinalo si Sabalenka sa Australian Open final.
Samantala, nabigo si Sabalenka na makumpleto ang three-peat matapos ang kanyang US Open titles noong 2024 at 2025.













