-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 7,022 ang naitalang kaso ng Ebola virus sa Democratic Republic of the Congo (DRC), na itinuturing ng lokal na pamahalaan bilang pinakamalalang outbreak ng sakit sa kasaysayan ng bansa.

Sa kabuuang kaso, 3,398 na ang nasawi, habang 837 naman ang kasalukuyang ginagamot.

Ang outbreak ay dulot ng Bundibugyo variant at unang naiulat sa hilagang-silangang bahagi ng Ituri province. Kumalat na rin ang virus sa iba pang lugar, kabilang ang mga rehiyong may presensya ng armadong grupo at limitadong access sa serbisyong medikal at tulong ng pamahalaan.

Sa loob ng nakalipas na limang dekada, tinatayang nasa 15,000 na ang nasawi dahil sa Ebola sa Africa. Naipapasa ang virus sa pamamagitan ng direktang contact sa bodily fluids at maaaring magdulot ng matinding pagdurugo at organ failure.

Patuloy naman ang pananaliksik para sa mga epektibong lunas at bakuna laban sa sakit.