Patuloy na lumalala ang malawakang wildfire sa Indonesia, na ayon sa mga eksperto ay maaaring magdulot ng carbon emissions na papalapit sa naitalang pinakamalalang wildfire sa bansa noong 2015.
Batay sa pinakabagong datos ng Global Fire Emissions Database, nasa 76 milyong tonelada ng carbon (MtC) na ang naitalang emissions mula sa mga sunog sa Indonesia ngayong 2026.
Ikinukumpara na ang kasalukuyang sitwasyon sa wildfire noong 2015, kung kailan tinatayang 2.6 milyong ektarya ng lupain ang nasunog at umabot sa 333 milyong tonelada ang carbon emissions.
Patuloy namang nagsasagawa ng mga hakbang ang mga awtoridad upang mapigilan ang pagkalat ng apoy, habang nagbabala ang mga eksperto sa posibleng epekto nito sa kalusugan ng publiko at sa klima sa rehiyon.













