-- ADVERTISEMENT --
Ayon sa paunang pagtataya ng Department of Energy (DOE), inaasahang muling magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng diesel, na maaaring umabot sa P2.50 hanggang P4.50 kada litro.
Samantala, hindi pa tiyak ang magiging galaw ng presyo ng gasolina. Posible itong bumaba ng hanggang P1.25 kada litro o kaya naman ay tumaas ng hanggang P0.75 kada litro, depende sa magiging pinal na kalkulasyon.
Inaasahan ding tataas ang presyo ng kerosene ng P2.20 hanggang P4.20 kada litro.
Ilalabas ng DOE sa Lunes ang opisyal na pagtataya sa oil price adjustments, habang karaniwang ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis ang bagong presyo tuwing Martes.













