Kinuwestiyon ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero ang malaking diperensya sa pagitan ng idineklarang net worth nina Vice President Sara Duterte at Manases Carpio sa kanilang joint SALN at ng mga bank transactions na nakapangalan sa kanila.
Sa ika-34 na araw ng impeachment trial, sinabi ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronel Buenaventura na umabot sa ₱424 milyon ang kabuuang perang pumasok at lumabas sa kanilang bank accounts mula 2022 hanggang 2025.
Mas mababa rito ang ₱336 milyong kabuuang net worth na nakasaad sa kanilang SALN para sa parehong panahon.
Samantala, mula 2007 hanggang 2025, umabot umano sa ₱4.4 bilyon ang covered at suspicious transactions na iniugnay kina Duterte at Carpio, habang nasa ₱840 milyon lamang ang pinagsamang net worth na idineklara sa kanilang SALN.
Tinanong ni Escudero si Buenaventura kung paano maipapaliwanag ang malaking agwat sa pagitan ng mga idineklarang ari-arian at bank transactions, ngunit sinabi ng AMLC official na hindi niya maipaliwanag ang naturang diperensya.













