-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 15 katao, kabilang ang tatlong bata, ang nasawi matapos tamaan ng limang guided aerial bomb ng puwersa ng Russia ang mga residential area sa Zaporizhzhia, timog-silangang Ukraine, noong Oktubre 10.

Ayon sa emergency services ng Ukraine, 16 na iba pa ang nasugatan matapos mapinsala ang ilang apartment building at iba pang pasilidad sa lungsod.

Patuloy ang search-and-rescue operations ng mga awtoridad upang matukoy kung may mga nawawala pa at matiyak ang lawak ng pinsalang dulot ng pambobomba.

Samantala, sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na 13 rehiyon ng bansa ang naapektuhan ng mga pag-atake ng Russia magdamag.

Nananatili ang mga emergency responder sa mga apektadong lugar habang nagpapatuloy ang operasyon sa gitna ng mga nasawi, sugatan at pinsala sa mga kabahayan.