Inurong na ng pamilya ng napatay na policewoman na si Diane Marie Mollenido ang mga reklamo laban sa kanyang hiwalay na asawa, si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, kaugnay ng robbery with homicide at theft.
Batay sa minutes ng inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office, si Daisie Gabres, kapatid ng biktima, ang naghain ng mosyon upang bawiin ang mga reklamo laban kay Mollenido.
Kinumpirma ni bInurong na ng pamilya ng napatay na policewoman na si Diane Marie Mollenido ang mga reklamo laban sa kanyang hiwalay na asawa, si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, kaugnay ng robbery with homicide at theft.
Batay sa minutes ng inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office, si Daisie Gabres, kapatid ng biktima, ang naghain ng mosyon upang bawiin ang mga reklamo laban kay Mollenido.
Kinumpirma ni Quezon City Police District Director Col. Randy Glenn Silvio ang pag-atras ng reklamo, na naging dahilan para palayain si Mollenido ng inquest prosecutor.
Nilinaw naman ni Silvio na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya. Dagdag pa niya, sasailalim sa cyber warrant ang gadgets ni Mollenido upang suriin ang kanyang mga aktibidad.
Ikinagalak ito ng abogado ni Mollenido, si Atty. Cristobal Rimando, na nagsabing pinatutunayan ng pag-atras ng reklamo ang kawalan ng ebidensiyang nag-uugnay sa kanyang kliyente sa krimen.
Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na iniimbestigahan pa rin ang pulisya sa posibleng pagkakasangkot nito, kabilang ang umano’y pag-uutos sa agarang cremation ng bangkay ng asawa nito habang suot pa ang mga damit, at ang sinasabing kawalan ng emosyon o pagsisisi matapos ang insidente.
Sa kabila ng pag-atras ng reklamo, nananatili si Mollenido sa restrictive custody ng National Capital Region Police Office (NCRPO) habang hinaharap niya ang hiwalay na reklamong obstruction of justice at isang administrative investigation.













