-- ADVERTISEMENT --

Isang malakas na lindol na may magnitude 7.8 ang tumama sa karagatang bahagi ng Sarangani nitong alas-7:37 ng umaga ng Hunyo 8, 2026, ayon sa pinakahuling earthquake bulletin ng PHIVOLCS.

Naitala ang sentro ng lindol sa layong 32 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Maasim, Sarangani sa koordinatong 5.57°N, 124.98°E at may lalim na 33 kilometro.

Umabot sa Intensity VII ang naramdamang pagyanig sa General Santos City, habang Intensity VI naman ang naitala sa mga bayan ng Palimbang at Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat.

Batay sa instrumental intensities, pinakamalakas na naitala ang Intensity VIII sa Malapatan, Sarangani. Naitala rin ang Intensity VII sa Koronadal City, South Cotabato at Santa Maria, Davao Occidental. Umabot naman sa Intensity VI sa General Santos City at T’boli, South Cotabato.

Naramdaman din ang lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao kabilang ang Davao City, Digos City, Isulan, Surallah, Santo Niño at iba pang mga bayan sa South Cotabato, Sultan Kudarat, Cotabato at Davao Region.

Umabot din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at maging sa mga lalawigan ng Leyte at Southern Leyte sa Visayas.

Samantala, naglabas na rin ng tsunami advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology.


Sa Koronadal City, mula intensity 7, ibinaba ito ng PDDRRMO SOuth Cortabato sa intensity 5. Sinunspende na rin ng Provincial Government ng Soth Coabato ang pribado at pambublikong klase sa lahat ng antes gayundin ang trabaho sa mga local goverment units.


Sa kasalukuyan, patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matukoy kung may mga nasugatan, nasirang imprastraktura, o iba pang epekto ng lindol. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng aftershocks at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga disaster response agencies.