-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Umabot sa labing-pitong high powered at apat na low powered firearms ang isinuko ng Local Government Units at mga local na kandidato mula sa anim na bayan ng Maguindanao del Sur sa 601st Infantry Brigade habang nagsasagawa ng Political Candidates’ Forum nitong sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan. Ito ang kinumpirma ni Lt.Col Roden Orbon, ang spokesperson ng 6th Infantry Division, PA sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Orbon, ang mga isinukong 21 armas pandigma ay mula sa mga local leaders at lokal na kandidato mula sa mga bayan ng Ampatuan, Datu Abdulla Sangki, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Datu Hoffer at Shariff Aguak.

Narito ang mga isinukong armas pandigma:

Datu Unsay, MDS:

1) One (1) Cal 30 M1 Garand Rifle

2) One (1) 5.56mm M4 Rifle

Datu Abdula Sangki, MDS:

1) One (1) 12-gauge shotgun

2) One (1) M203 Grenade Launcher

3) Three (3) 9mm Uzi Pistol

Ampatuan, MDS:

1) Two (2) 7.62 M14 Rifle

2) One (1) Cal.30 M1 Garand Rifle

Shariff Aguak, MDS:

1) One (1) 81mm Mortar

2) One (1) 7.62 Ultimax Squad Automatic Weapon

3) One (1) Cal .30 Sniper Rifle

4) One (1) Cal.30 M1 Garand Rifle

5) Two (2) M79 grenade launcher

Datu Saudi Ampatuan, MDS:

1) One (1) 7.62 Sniper Rifle

2) One (1) RPG

3) One (1) M79 Grenade Launcher

Datu Hoffer, MDS

1) One (1) Cal 30 M1 Garand Rifle

2) One (1) M16 Rifle

3) One (1) Barrett Sniper Rifle

Ang pagsuko ng mga naturang armas pandigma ay nagpapalakas sa layunin ng mga militar upang magkaroon ng ligtas at mapayapang 2025 National and Local Elections at BARMM Parliamentary Elections gayundin ang pagtalima sa Small Arms and Light Weapons Program (SALW) ng mga militar.

Nanawagan pa rin si Lt. Col Orbon sa publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung may mamataang indibidwal na kahina-hinala at maging alerto sa lahat ng pagkakataon.