-- ADVERTISEMENT --
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isasailalim sa quarantine sa Rotterdam, Netherlands ang 38 Pilipinong seafarers na sakay ng cruise ship na MV Hondius na apektado ng hantavirus bago tuluyang mauwi sa Pilipinas.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, apat na tripulante ang inilipad patungong Netherlands nitong Linggo, Mayo 10, at susunod naman ang 20 pang crew.
Ang natitirang 14 na deck at engine crew ay sasama sa barko patungong Rotterdam.
Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa na 42 araw ang quarantine protocol at isasailalim muna sa testing ang mga Pilipinong crew bago payagang makauwi sa bansa.












