-- ADVERTISEMENT --

Dalawa ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Tipo High TechPark sa Tipo Road, SCTEX, Subic Bay Freeport Zone, Zambales.

Apat na katao ang kabuuang naapektuhan ng landslide, kabilang ang dalawang iba pang biktima na agad na dinala sa pagamutan.

Kabilang sa mga nasawi ang isang Chinese national na empleyado ng isang kumpanya sa Subic Bay Freeport Zone at isang Pilipinong dump truck driver.

Ayon sa mga awtoridad, bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa lugar ang pagguho ng lupa. Patuloy naman ang assessment sa lugar upang matukoy ang lawak ng pinsala at matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa at motorista.