Bumagsak sa record-low na 9.7% ang antas ng kahirapan sa Pilipinas noong 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng humigit-kumulang 6.5 milyong Pilipinong nakaahon sa kahirapan, matapos bumaba sa 11 milyon ang bilang ng mga namumuhay sa ilalim ng poverty threshold, mula sa 17.5 milyon noong 2023.
Ito rin ang unang pagkakataon na bumaba sa single digit ang poverty rate sa bansa—tatlong taon na mas maaga sa target na 2028 sa ilalim ng Philippine Development Plan.
Ayon kay Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, unang pagkakataon din na mas mababa sa isa sa bawat 10 Pilipino ang namumuhay sa ilalim ng poverty line.
Samantala, iniugnay ang pagbaba ng kahirapan sa 22% pagtaas ng nominal income mula 2023 hanggang 2025, kumpara sa 5% inflation sa parehong panahon.
Sinabi ni Balisacan na ipinapakita ng resulta ang paglawak ng economic opportunities at bisa ng social protection programs sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.













