-- ADVERTISEMENT --

Hindi pa itinuturing na pormal na “fugitive from justice” ng Department of Justice (DOJ) si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, sa kabila ng umiiral na arrest warrant laban sa kanya.

Ayon sa DOJ, kinakailangan munang sundin ang proseso bago ideklara ang isang indibidwal bilang pugante sa batas.

Nilinaw ito matapos sabihin ni National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag na kabilang sa kinukunsiderang fugitive from justice si Leviste.

May arrest warrant na inilabas ang Makati Regional Trial Court laban sa kongresista kaugnay ng kasong paglabag sa Public Service Act.

Giit ng DOJ, hindi sapat ang pagkakaroon ng arrest warrant upang awtomatikong maideklarang fugitive from justice ang isang akusado dahil may mga legal na hakbang pang kailangang pagdaanan.