-- ADVERTISEMENT --

Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasawi dahil sa patuloy na epekto ng Habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni PNP spokesperson PCol. Allen Rae Co na 26 sa mga nasawi ay sibilyan habang isa ay police personnel. Dalawa pa ang naiulat na nawawala at 18 ang nagtamo ng injuries batay sa datos hanggang umaga ng Agosto 17.

Patuloy namang tumutulong ang PNP sa disaster response at pagpapanatili ng seguridad sa mga lugar na apektado ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, ayon sa Office of Civil Defense, mahigit 5 milyon katao na ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng mga bagyo at Habagat. Kabilang sa mga apektadong lugar ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera, Metro Manila at Mimaropa.