-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng pasasalamat si Pia Cayetano sa kaniyang mga kapwa senador matapos ang naging emosyonal niyang pahayag sa plenary session ng Senado noong Mayo 20.

Sa Facebook Live niya noong Mayo 22, sinabi niyang na-appreciate niya ang paglapit at pag-alala ng ilang senador pagkatapos ng kaniyang madamdaming talumpati. Ayon kay Cayetano, normal lamang ang maiinit na diskusyon sa loob ng Senado dahil magkakakilala at magkakaibigan din ang mga mambabatas.

Ang kanyang emosyonal na pahayag ay kaugnay ng naunang privilege speech ni Risa Hontiveros, na nanawagan na huwag balewalain ang insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13. Isa sa mga punto ni Cayetano ang umano’y pagkadismaya sa hindi agad na pag-check ng ilang kasamahan sa mga naroroon noong insidente.

Samantala, lumabas din ang screenshot ng group chat ng mga senador kung saan makikitang may mga miyembro ng minority bloc na nagpaalala sa kanilang mga kasamahan na mag-ingat, na nagpakita ng concern sa gitna ng insidente.