-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Senador Bong Go sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ng lahat matapos ang sunod-sunod na kaguluhang naganap sa loob ng gusali ng Senado.

Sa kanyang social media post, sinabi ng senador na umaasa siyang tuluyang magiging maayos at payapa ang sitwasyon matapos ang mga napaulat na putok ng baril sa loob mismo ng Senate building.

Ibinahagi rin ni Go na nasa loob sila ng Senado nang mangyari ang insidente dahil may nakatakda silang pagpupulong kasama si Senate President Alan Peter Cayetano.

Matapos umanong humupa ang tensyon at dumating si DILG Secretary Jonvic Remulla, agad ding naglabas ng panibagong pahayag si Go kasama ang majority bloc upang tiyakin sa publiko na maayos at ligtas na ang kanilang kalagayan sa loob ng Senado.