Patay na nang matagpuan ang 8-anyos na batang babae sa isang bakanteng lote sa Balbuena Compound, Barangay Sta. Lucia, Quezon City.
Wala na itong saplot nang madiskubre ang katawan, katabi ang kanyang damit at isang hinihinalang armas.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, umamin ang 13-anyos na lalaking suspek, na itinago sa pangalang “JD”, na siya ang sumakal sa biktimang si “KL” hanggang sa ito’y mamatay. Giit niya, hindi niya ito ginahasa.
Huling nakita ang biktima pasado alas-dos ng hapon noong Agosto 2, at nang hindi pa rin ito nakakauwi pagsapit ng alas-otso ng gabi, agad na nagsagawa ng paghahanap ang kanyang pamilya.
Lumalabas na tumulong pa sa paghahanap ang mismong suspek—na siya pa palang may kagagawan ng krimen.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Quezon City Police at inaalam kung may iba pang sangkot sa insidente.