-- ADVERTISEMENT --

Kinondena ni Davao City 2nd District Representative Omar Duterte ang arrest warrant laban kay Vice President Sara Duterte, na tinawag niyang malinaw na anyo ng political harassment.

Ayon kay Omar, ginagamit umano ang kapangyarihan ng pamahalaan upang gipitin at patahimikin ang mga kritiko. Inihalintulad din niya ang sitwasyon sa mga legal na hakbang na hinarap noon ng kanyang lolo, dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi lamang umano si Vice President Duterte ang sangkot sa usapin, kundi maging ang dignidad ng bansa at kaligtasan ng mga pamilyang Pilipino.

Hinimok niya ang publiko na maging mapanuri sa mga hakbang at prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Ang pahayag ni Omar ay kasunod ng pagpapatupad ng korte sa arrest warrant laban kay Duterte kaugnay ng tatlong counts ng grave threats.