-- ADVERTISEMENT --

Hindi bababa sa siyam (9) ang nasawi matapos tamaan ng Israeli airstrike ang isang residential building sa hilagang bahagi ng Iran, ayon sa isang opisyal sa rehiyon ngayong Martes.

Ayon kay Ali Alizadeh, deputy governor ng Gilan Province, kabilang sa mga nasawi ang mga sibilyan na naninirahan sa nasabing gusali. Apat pang gusali ang napinsala sa insidente.

Ang naturang pag-atake ay naganap kasabay ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran na inianunsyo ng dating US President Donald Trump.

Subalit, sa kabila ng anunsyo, patuloy pa rin ang pag-ulan ng mga missiles at airstrikes mula sa magkabilang panig.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Israel ukol sa insidente, ngunit una nang sinabi ng Israel Defense Forces (IDF) na patuloy silang tutugon sa anumang banta mula sa Iran, sa kabila ng pansamantalang tigil-putukan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang rescue at recovery operations sa lugar habang tumataas ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.