-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Iran ang isang regional meeting sa Oman sa Lunes upang talakayin ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz.

Ayon sa Iranian Foreign Ministry, dadalo sa pulong ang mga kinatawan ng Iran at ilang Gulf states. Kabilang sa pag-uusapan ang resulta ng naging negosasyon sa pagitan ng Iran at Oman.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga hakbang para mapanatili ang ligtas na pagdaan ng mga barko sa estratehikong lagusan, na mahalagang ruta para sa pandaigdigang kalakalan at suplay ng enerhiya.

Nilinaw naman na nais ng Iran na matiyak ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz habang nagpapatuloy ang koordinasyon sa mga karatig-bansa.