-- ADVERTISEMENT --

Mariing kinukondena ng Probinsya ng Maguindanao del Sur ang nangyaring insidente nakaraang August 2, 2024 alas kwatro ng hapon sa bayan ng South Upi, na naging sanhi ng pagkamatay ni Vice Mayor Roldan M. Benito at pagkasugat ng kanyang may bahay na si Analyn Benito at kasamahang si Joseph Mutia.

Ang nasabing pangyayari ay nagdulot ng takot at pangamba sa nasabing bayan. Ito ay malinaw na taliwas at paglalapastangan sa kapayapaang isinusulong sa probinsya.

Nakikiisa kami sa agarang pagsugpo at pagpapanagot sa mga taong nasa likod ng karumal dumal na krimeng ito. Hangad namin ang mabilisang pagresolba ng kaso at hustisya para sa lahat ng mga biktima.