-- ADVERTISEMENT --

Arestado ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong Rape sa Barangay San Miguel, Malungon, Sarangani province nito lamang Disyembre 29, 2024.

Kinilala ang hinuling suspek na si alyas “Jaypee”, na residente ng nasabing lugar, at itunuturing na Top 10 Regional Level Most Wanted Person.

Batay sa ulat, inaresto si “Jaypee” ng mga tauhan ng Malungon Municipal Police Station kasama ang iba pang operatiba ng Sarangani Police Provincial Office at Police Regional Office 12, sa bisa ng arrest warrant na nilagdaan ni Hon. Fatima K. San Pedro-Eugenio, Presiding Judge ng 11th Judicial Region, RTC Branch 46, Capitol Compound, Alabel, Sarangani Province, noong September 11, 2024, para sa kasong rape na walang rekomendadong piyansa.