-- ADVERTISEMENT --

Tumaas ng 5.6% ang foreign currency loans ng mga bangko sa Pilipinas sa ikalawang quarter ng 2026, bunsod ng mas mataas na pangungutang ng mga negosyo, partikular ng export-oriented sectors.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa $16.31 bilyon ang FCDU loans noong Hunyo, mula sa $15.44 bilyon noong unang quarter.

Pinakamalaki ang bahagi ng mga pautang na napunta sa transportasyon at kaugnay na serbisyo na nasa $3.07 bilyon. Sinundan ito ng mga exporter ng produkto at serbisyo sa $2.85 bilyon at power generation companies na may $1.86 bilyon.

Ayon sa BSP, kabilang sa mga nagtulak sa paglago ang mas mataas na pangangailangan sa financing ng mga export-oriented businesses at iba pang kaugnay na sektor.

Samantala, umabot sa $60.11 bilyon ang kabuuang foreign currency deposits sa mga lokal na bangko pagsapit ng katapusan ng Hunyo.