-- ADVERTISEMENT --
Siyam (9) sa kabuuang 11 bangkay na narekober sa nagpapatuloy na search operations kaugnay ng paglubog ng roll-on/roll-off (RoRo) ferry na M/V Trisha Kerstin 3 ay naibalik na sa kanilang mga pamilya.
Ito ang ayon sa Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Batay sa pahayag ng PDRRMO Basilan, nasa apat sa mga nasawing biktima ang inihatid patungong Sulu, habang lima naman ang dinala sa iba’t ibang lugar sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG).
Samantala, dalawa pang bangkay ang nananatiling hindi pa kinukuha ng kanilang mga kaanak.
Nagbigay rin ng pakikiramay ang PCG sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawi.













