-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang magsagawa ng state visit sa Pilipinas si Tô Lâm mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1, ayon sa Presidential Communications Office.

Sa nakatakdang bilateral meeting, inaasahang pag-uusapan nina Tô Lâm at Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng kooperasyon sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, food security, at depensa.

Ito ang kauna-unahang state visit ni Tô Lâm sa Pilipinas mula nang maupo siya bilang pangulo ng Vietnam.

Matatandaang nagsimula ang diplomatic relations ng Philippines at Vietnam noong Hulyo 12, 1976. Lalo pa itong pinagtibay nang itaas ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan bilang strategic partnership noong Nobyembre 17, 2015.

Inaasahan ding magsisilbing oportunidad ang pagbisita upang higit pang mapalalim ang ugnayang diplomatiko at ekonomiko ng dalawang bansa sa harap ng umiiral na mga hamon sa rehiyon.