-- ADVERTISEMENT --

Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang wanted person sa kasong qualified theft matapos isilbi ng pulisya ang nakabinbin na arrest warrant sa Barangay Poblacion 2, Midsayap, Cotabato kahapon lamang, Setyembre 2, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Realan E Mamon, Acting Chief of Police ng Midsayap Municipal Police Station ang nahuling suspek na si alyas “Eugene”, 47-anyos, driver at residente ng naturang barangay.

Ayon kay PLtCol. Mamon, bandang 1:15 ng hapon ng magsagawa ng manhunt charlie operation ang mga tauhan ng Midsayap MPS, 2nd CPMFC, CPPO-PIU, RIU 12 at RID 12 Tracker Team Echo para sa kasong qualified theft na may rekomendadong pyansa na Php40, 000.00.

Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng positibong hakbang sa kampanya kontra kriminalidad ng kasalukuyang administrasyon para sa seguridad ng mga mamamayan at kapayapaan ng bansa.