-- ADVERTISEMENT --

Hinamon ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Health (DOH) na maglabas ng dokumento bilang patunay na napalitan ng bago ang mga expired na gamot na umano’y ibinalik sa suppliers o manufacturers.

Sa pagdinig sa 2027 DOH budget, ipinakita ni Tulfo ang mga litrato ng umano’y pagbaon ng expired na gamot sa Tala Hospital sa Caloocan City.

Iginiit ng senador na hindi sapat ang pahayag ng DOH na ibinalik sa suppliers ang mga expired na gamot at dapat itong suportahan ng mga resibo o iba pang dokumento.

Samantala, sinabi ni Health Secretary Edwin Mercado na umabot sa P217 milyon ang halaga ng mga gamot na nag-expire noong 2025, habang nasa P477 milyon naman ang mga gamot na malapit nang mag-expire.

Hinihingi ni Tulfo ang malinaw na accounting ng mga expired na gamot upang matiyak na napalitan ang mga ito at hindi nasayang ang pondo ng gobyerno.