Napili ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Calvin Oftana bilang bahagi ng roster ng national team na magtatangkang ipagtanggol ang gintong medalya ng Pilipinas sa Aichi-Nagoya Asian Games.
Hindi agad naging madali ang desisyon ni Cone dahil sa mga naging injury ni Oftana, na naging dahilan para hindi ito makapaglaro sa huling dalawang FIBA Asian Qualifiers windows.
Sa kabila nito, nakabalik na sa ensayo ng TNT si Oftana at itinuring nang handa para muling sumabak sa kompetisyon.
Malaking konsiderasyon din para kay Cone ang familiarity ni Oftana sa kanyang sistema, gayundin ang karanasan nito sa Asian Games. Kasama ang forward sa gold-medal squad ng Pilipinas sa Hangzhou noong 2023.
Sa kanyang pagbabalik sa Gilas, inaasahang makatutulong si Oftana sa kampanya ng Pilipinas na muling makuha ang kampeonato sa Asian Games.













