-- ADVERTISEMENT --

Maaaring bumaba sa 13 ang kinakailangang boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte kung 20 senador lamang ang legal na makikilahok bilang senator-judges sa Impeachment Court.

Ayon kay lawyer at law professor Howard Calleja, nakabatay ito sa probisyon ng Konstitusyon na nangangailangan ng two-thirds concurrence ng mga miyembro ng Senado para sa conviction. Aniya, maaaring magbago ang voting threshold depende sa aktuwal na bilang ng senator-judges na legal na makagaganap ng kanilang tungkulin.

Kung 21 senator-judges ang makikilahok, maaaring 13 o 14 na boto ang kailangan, habang tinatayang 13 boto kung 20 lamang ang lalahok.

Gayunman, nananatili sa 16 boto ang kasalukuyang conviction threshold batay sa naunang ruling ng presiding officer ng Impeachment Court, na sinusuportahan din ng House prosecution.

Inimbitahan ng Impeachment Court ang mga dating Supreme Court justices upang magbigay ng kanilang opinyon sa usapin. Ang korte ang magpapasya kung pananatilihin ang 16-vote threshold o gagamit ng ibang interpretasyon bago ang pinal na botohan.