Sumiklab ang tensyon sa pagitan ni Donald Trump at ng pinuno ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV matapos ang palitan ng matitinding pahayag kaugnay ng mga polisiya ng Estados Unidos.
Tinawag ni Trump na “weak” o mahina ang Santo Papa pagdating sa usapin ng krimen, at “terrible” naman sa larangan ng foreign policy. Ang mga banat na ito ay kasunod ng kritisismo ng pontiff sa foreign at immigration policies ng administrasyon ni Trump.
Partikular na kinuwestiyon ni Pope Leo ang banta ni Trump na wasakin ang Iranian civilization, na tinukoy niya bilang “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap. Nanawagan din ang Santo Papa ng mas malalim na pagninilay sa paraan ng pagtrato sa mga migrante sa Amerika.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Trump na dapat ayusin ng Santo Papa ang kanyang mga kilos bilang lider ng Simbahang Katolika, at inamin pa sa mga mamamahayag na hindi siya “big fan” ng pontiff.
Ipinapakita ng palitan ng pahayag ang lumalalim na banggaan ng pananaw sa pagitan ng pulitika at moral na liderato, lalo na sa mga sensitibong isyu tulad ng foreign policy at immigration.













