-- ADVERTISEMENT --

Itinampok ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang bagong limang-taong termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326.

Bilang pangunahing may-akda ng panukala sa Senado, sinabi ni Escudero na layunin ng batas na magkaroon ng mas maayos at predictable na cycle ng pamamahala sa barangay.

Ayon sa senador, mas mahabang termino ang magbibigay sa mga opisyal ng sapat na panahon upang magplano, magpatupad at magsuri ng mga programa at serbisyo nang hindi naaantala ng madalas na halalan.

Binigyang-diin din niya ang papel ng barangay bilang pangunahing frontliner ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.

Sa ilalim ng batas, ililipat sa Nobyembre 2028 ang susunod na Barangay at SK Elections (BSKE).

Nagpasalamat naman si Escudero kay Pangulong Marcos, gayundin sa mga senador at kongresistang sumuporta sa pagpasa ng naturang reporma.